MABUHAY! At maligayang bati po sa inyong pagbisita sa aming website. Ang TESOL at Jolly Phonics Global Teacher License para sa mga Filipino abroad ay limang (5) buwan na pag-aaral at pagsasanay sa pagtuturo alinsunod sa Teaching English to Speakers of Other Languages o TESOL. Layunin ng kurso na magkaroon ng mahusay na pundasyon sa pamamaraan ng TESOL, gumawa ng lesson plan at isapraktika ang teorya sa aktwal na pagtuturo sa loob ng silid-aralan.
Katibayan sa pagkahanda at mahusay na abilidad bilang TESOL teacher, hindi papel na TESOL certificate, ang gawad sa lahat ng magtatapos ng pagsasanay. Dahil sa katanyagan ng Seels TESOL Certificate, mahalaga na itong dokumento na ginagamit sa pag-aaplay ng trabaho bilang Assistant Language Teacher o ALT sa Japan.
Gamit na materyal sa pagtuturo ng TESOL ang Jolly Phonics, isang popular na kurikulum mula sa United Kingdom, sa pagsasanay ng TESOL. At sa kadahilanann na ang kasanayan natamo sa pagtuturo ay may karagdagang lisenya bilang Globa Jollly Phonics Teacher mula sa Seels Teachers Academy ng Tokyo, Japan.
TESOL Certificate bilang kuwalipikasyon para sa pag-apply ng trabaho at lisensya mula sa Seels bilang Global Jolly Phonics Teacher na maaring gamitin sa mga bansa saan man sulok mundo ang naghihitay para sa mga magtatapos ng limang buwan na kurso.
Nais po naming ipabatid na ang Social Enterprise English Language School (SEELS) ay isang naninilbihang akademiya para opportunidad sa espasyo ng edukasyon. Limitado lamang po sa pagbibigay ng rekomendasyon sa inaaplayan na employer at pagbibigay ng pampublikong tiwala sa mga lisensyadong teachers ang abot kayang suporta ng SEELS.
Masasalamin sa ibaba ang syllabus ng TESOL para sa mas malawak na pag-alam sa nilalaman ng 5-Buwan pagsasay at pag-aaral. Para sa mga katanungan, munkahing pirmahan ang Inquiry Form sa tabing column -->